Quantcast
Channel: Working It » Litratong Pinoy
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Hardin at Gusali

$
0
0

Litratong Pinoy

Dahil hindi ako nakalahok nung isang linggo, dalawang tema ang ilalathala ko ngayon. Mabuti na lang at meron akong saktong gusali at hardin na pwedeng-pwede kong ibahagi sa inyo.

Biltmore

Nope, wala po ako sa Europa. Itong gusaling ito ay ang Biltmore Home na matatagpuan sa Asheville, North Carolina. Biruin mo, may ganitong klaseng gusali sa liblib na pook ng North Carolina? :D

Hango ang disensyo sa isang 16th century French chateau, naitayo ito nung 1895 (matapos ang anim na taong konstruksyon) bilang tahanan ng pamilya Vanderbilt. Noong mga panahon na iyon, itong bahay na ito ay ang pinakamalaking architectural undertaking na nangyari sa kasaysayan ng residential architecture sa America. Unang-una, isang batalyon na craftsmen at workers ang gumawa nito. Nagtayo pa sila ng isang railway system sa loob ng estate para lamang ma-transport ang mga kagamitan. Mahigit apat na acres ang floor space ng bahay na ito, na may 34 na kwarto, 43 na banyo, at 65 fireplaces, at lahat ng furnishings ay sobrang ma-detalye at kamangha-mangha ang craftsmanship. Dagdag pa sa mga dahilan kung bakit espesyal ang bahay na ito ay dahil  ito lamang ang tahanan noong mga panahon na iyon na mayroong indoor plumbing. Meron din itong sariling elevator (na ginawa ni Otis specifically para sa bahay), at pati na rin washing machine! Bonus pa, meron din itong gym (na may sinaunang treadmill, haha!), indoor swimming pool, at bowling alley sa basement.

Sa ngayon, ang Biltmore Estate ay isa sa mga major pasyalan ng mga tao sa North Carolina. Sa loob ng Biltmore Estate ay may sarili silang ubasan at winery (gumagawa sila ng sarili nilang wines), hotel at inns (na pwedeng tulugan ng mga bisita), restaurants, barns (na kinaaaliwan ng mga bata), at tindahan kung saan makakabili ng mga gamit at pagkain para sa bahay. Ginamit rin itong set sa iba’t-ibang pelikula tulad ng Forrest Gump, Patch Adams, Last of the Mohicans, at Richie Rich. O di ba showbiz!

Pero ang isa sa dahilan kung bakit napaka-gandang pasyalan ng Biltmore Estate ay ang kanilang mayayabong na kagubatan, lawns, at hardin!

Biltmore Lawn
Ito ang lawn na nasa harap ng malaking bahay. Pagkatapos kong kuhanan ng litrato yung gusali sa taas, tumalikod lang ako at ito na ang tumambad sa akin. :)

At ito naman kami ni Ninna sa hardin. Tamang-tama at kasagsagan ng Spring noon kaya galit na galit sa pamumukadkad ang mga bulaklak. :)

bulaklak-beauties

Minsan ay bumalik naman kami ng taglagas (Autumn) kasama ang aking mommy. Heto naman ang kanyang picture-perfect na kuha sa hardin.

Mom sa Hardin

Kaya kung bibisitahin niyo ako dito sa Georgia, pwedeng-pwede ko kayong ipasyal dito sa Biltmore Estate dahil apat na oras na drive lamang iyon mula dito. Tara! :)

~~~

Ang anino ng pinaka-sikat na gusali sa New York DITO, ang aking isa pang LP entry.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Latest Images

Trending Articles



Latest Images