Quantcast
Channel: Working It » Litratong Pinoy
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Paboritong Alahas

$
0
0

Litratong Pinoy

I’m sure maraming maglalahok ng litrato na katulad ng ilalahok ko sa linggong ito. Kasi naman, malamang katulad ko rin, kapag talagang sinabing paboritong alahas, ito lamang ang tanging pumapasok sa isip…

singsing

Kahit na uso naman ang hindi magka-ternong singsing para sa mag-asawa (madalas mas “mabato” ang sa asawang babae at plain na band lang sa lalaki), napagkasunduan pa rin namin ng aking asawa na mag-terno kami ng singsing para sweet.

Proud naman akong sabihin na hanggang ngayon ay kasya pa rin sa aming dalawa ang mga singsing namin at araw-araw pa rin namin itong suot kahit na ano ang panahon o sitwasyon.

Kaya kapag nakita niyo ang aking asawa na walang suot na singsing, maaring ipagbigay-alam na lang sa kinauukulan (ako!) nang malapatan ng wastong kaparusahan, hehehe.

~~~

Muling paglalathala ag paboritong pilak na purseras DITO, ang aking isa pang LP entry. :)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Latest Images

Trending Articles



Latest Images